Pagpili ng mga mobile network
Awtomatikong lumilipat ang iyong device sa pagitan ng mga mobile network depende sa
kung aling mga mobile network ang available kung nasaan ka. Maaari mo ring manu-
manong i-set ang iyong device na gumamit ng isang partikular na mode ng mobile
network, halimbawa, WCDMA o GSM.
Upang pumili ng mode ng network
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Higit pa... > Mga mobile network.
3
Tapikin ang
Network mode, pagkatapos ay piliin ang isang network mode.
Upang manu-manong pumili ng isa pang network
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Higit pa... > Mga mobile network > Mga
network operator.
3
Tapikin ang
Mode sa paghahanap, pagkatapos ay piliin ang Manu-mano.
4
Pumili ng network.
Kung manu-mano kang pipili ng network, hindi maghahanap ang iyong device ng iba pang
mga network, kahit na umalis ka sa sakop ng network na manu-manong pinili.
Upang i-aktibo ang awtomatikong pagpili ng network
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Higit pa... > Mga mobile network > Mga
network operator.
3
Tapikin ang
Mode sa paghahanap, pagkatapos ay piliin ang Automatic.