Sony Xperia E4 - Pagpapaganda sa output ng tunog

background image

Pagpapaganda sa output ng tunog

Maaari mong pagandahin ang output ng tunog na nanggagalin sa mga speaker ng iyong

device gamit ang mga tampok gaya ng Phase™ at xLOUD™ technology.

Paggamit ng Clear Phase™ technology

Gamitin ang Clear Phase™ technology mula sa Sony upang ma-adjust ang kalidad ng

tunog na nagmumula sa panloob na mga speaker ng iyong device upang magkaroon ng

mas malinis, mas natural na tunog.

Upang pagandahin ang kalidad ng tunog ng speaker gamit ang Clear Phase™

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Tunog.

3

Markahan ang checkbox na

Clear Phase™.

Ang pag-activate ng feature na Clear Phase™ ay walang epekto sa iyong mga application ng

voice communication. Halimbawa, walang pagbabago sa kalidad ng tunog ng voice call.

Paggamit ng xLOUD™ technology

Gamitin ang xLOUD™audio filter technology mula sa Sony upang pahusayin ang volume

ng speaker nang hindi isinasakripisyo ang kalidad. Makakuha ng higit na dynamic na

tunog habang nakikinig ka sa iyong mga paboritong kanta.

Upang pagandahin ang volume ng speaker gamit ang xLoud™

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Tunog.

3

Markahan ang checkbox na

xLOUD™.

Ang pag-activate ng feature na xLOUD™ ay walang epekto sa iyong mga application ng voice

communication. Halimbawa, walang pagbabago sa kalidad ng tunog ng voice call.

44

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.