Pag-charge sa iyong device
Ang iyong device ay may naka-embed na rechargeable na baterya na dapat palitan lang
ng Sony o isang awtorisadong Sony repair center. Hindi mo dapat kailanman subukang
buksan o kalasin ang device na ito nang sarili mo lang. Ang pagbukas sa device ay
maaaring makadulot ng sira na magpapawalang-bisa sa iyong warranty.
Bahagyang naka-charge ang baterya sa pagbili mo ng device. Maaari mo pa ring
magamit ang iyong device habang nagcha-charge ito. Magbasa nang higit pa tungkol sa
baterya at kung paano pahusayin ang performance sa
Pamamahala sa baterya at
power sa pahina 125 .
Upang i-charge ang iyong device
1
Isaksak ang charger sa isang saksakan.
2
Isaksak ang isang dulo ng USB cable sa charger (o sa USB port ng isang
computer).
3
Isaksak ang kabilang dulo ng cable sa micro USB port sa iyong telepono, na nasa
taas ang simbolo ng USB. Magliliwanag ang ilaw ng notification kapag nagsimula
na ang pag-charge.
4
Kapag ganap nang na-charge ang device, idiskonekta ang cable sa iyong device
sa pamamagitan ng paghila rito palabas. Tiyaking huwag mabaluktot ang
tagapagkonekta.
Kung ganap na na-discharge ang baterya, maaaring tumagal ng ilang minuto bago lumiwanag
agn ilaw ng notification at lumabas ang icon sa pag-charge .
11
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Katayuan ng ilaw ng notification ng baterya
Berde
Mas mataas sa 90% ang antas ng charge ng baterya
Nagpa-flash nang
pula
Nagcha-charge ang baterya at mas mababa sa 15% ang antas ng charge ng baterya
Orange
Nagcha-charge ang baterya at mas mababa sa 90% ang antas ng charge ng baterya
12
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.