Paghahanap ng nawawalang device
Kung mayroon kang Google™ account, makakatulong sa iyo ang serbisyo sa web ng
my Xperia na mahanap at ma-secure ang iyong device kung sakaling mawala mo ito.
Maaari mong:
•
Hanapin ang iyong device sa isang mapa.
•
Magpatunog ng alerto na gumagana kahit naka-silent mode ang device.
•
I-lock nang malayuan ang device at ipakita sa iyong device ang iyong impormasyon sa
contact sa sinumang makakakita nito.
•
Kung wala nang magagawa pa, i-clear nang malayuan ang panloob at panlabas na
memory ng device.
Maaaring hindi available sa lahat ng bansa/rehiyon ang serbisyong my Xperia.
Upang isaaktibo ang serbisyong my Xperia
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga setting > Seguridad > my Xperia > I-activate.
3
Markahan ang checkbox, pagkatapos ay tapikin ang
Tanggapin.
4
Kung mapo-prompt ka, mag-sign in sa iyong Sony Entertainment Network
account, o gumawa ng bago kung wala ka pang ganito.
5
Paganahin ang mga serbisyo ng lokasyon sa iyong device kung hindi pa
pinapagana ang function na ito.
Upang patotohanan na mahahanap ng serbisyong my Xperia ang iyong device, pumunta sa
myxperia.sonymobile.com
at mag-sign in gamit ang Google™ account o ang Sony
Entertainment Network account na na-set up mo sa iyong device.