Suporta para sa iyong device
Gamitin ang application na Suporta sa iyong device upang maghanap sa isang User
guide, basahin ang mga guide sa troubleshooting, at makakita ng impormasyon tungkol
sa mga update sa software at iba pang mga impormasyong nauugnay sa produkto.
Upang ma-access ang application na Suporta
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang , pagkatapos ay piliin ang kinakailangang item para sa
suporta.
Siguraduhing mayroon kang gumaganang koneksyon sa Internet, mas maganda kung sa
pamamagitan ng Wi-Fi®, upang limitahan ang mga singil sa trapiko ng data kapag ginagamit
ang application na Suporta.
Tulong sa mga menu at application
Ang ilang application at mga setting ay may tulong na available sa menu ng mga opsyon
na karaniwang isinasaad ng sa mga tukoy na application.
Tulungan kaming pagandahin ang aming software
Maaari mong paganahin ang pagpapadala ng impormasyon ng paggamit mula sa iyong
device nang sa gayon ay makakatanggap ang Sony Mobile ng mga anonymous na ulat
at istatistika ng bug na makakatulong na mapaganda ang aming software. Hindi
naglalaman ng personal na data ang nakolektang impormasyon.
Upang payagan ang pagpapadala ng impormasyon ng paggamit
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Tungkol sa telepono > Mga stg ng impo ng
paggamit.
3
Markahan ang checkbox ng
Padala impo ng pagamit kung hindi pa ito
namamarkahan.
4
Tapikin ang
Sumang-ayon.